Thursday, April 16, 2009

Takhisis Faction ang Pagbabalik

Siguro nagugulat kayo bakit hindi wikang ingles ang ginagamit namin sa blog na eto. Simple lang, puro kami pinoy sa faction at ayaw na namin magdugo ang aming mga pangong ilong sa ingles. Maiba tayo kaibigan.

Ibinabalik na namin ang Takhisis Faction sa pamumuno ulit ni Fiksdotter at mga bagong konseho nito; Grabaiso, StrawwHatss, Xei, Baleleng, Artaxerxes (na may bagong may-ari), santossaurez, Shadowstein, McBurney, killersz at Royals. Ang aming layunin ay ibalik ang mga pinoy na manlalaro sa Granado Espada at syempre manghikayat ng iba pang mga bagong maglalaro nito.

Sa aming pagbabalik di namin inaasam ang maging sobrang lakas o anu pa man, naniniwala pa din kami na magagawa namin ang mas kalugod-lugod bilang isang manlalaro at iyon ang maging masaya sa paglalaro ng Granado Espada.


Hindi ka pa ba kasali? Kausapin lang ang mga konseho namin para makasali. Sa muli maligayang araw sayo!

1 comment:

dustine said...

hi all mzt na kau post naman ung picture natin ung last wek po revenge or dustine 2 sana maka usap ng FL natin ang mga lder ng royalist para mabigyan tau ng colony alam kng imposible pero try lng naman db para masaya